<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/2478725266556423944?origin\x3dhttp://jepoi.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

What's the matter, peanut butter?

Recettes recentes:
My First Project
My Long Wait
My Search has Ended
My Journey
My Second Purchase
My Dollar
My First Purchase
Our Long Wait
My Meeting
My Working Hours

Archives:
February 2003
March 2003
June 2003
July 2003
September 2003
March 2004
April 2004
September 2004
October 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
September 2005
November 2005
December 2005
January 2006
April 2006
May 2006
June 2006
August 2006
December 2006
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007

Liens Electronique:
Jepoi's Multiply
Peyups: the UP Online Community
IMDB
Wiki
Pisay Neuf Neuf

Le Blogs:
Jed
Soeur Mimi and Frere Karl
Frere Dan
Ragin-Cajun

La Cuisine de Jepoi
Our First Week Away
Monday, July 7, 2003

officially nagsimula ang practicum ni tintin noong lunes. nagpunta sila sa bulacan, 14 yata sila divided into groups. si jean 'yung ka-partner niya, again. they'll be staying there for six weeks. 'yung mag-accommodate sa kanila, taga-pampanga nga pala. cabalen!

anyway, dumating ako sa UP around six fifteen in the morning. may mga ibinilin pa kasi si tintin na mga favors. 'yung shirt ni tintin LB tapos 'yung letter for the dorm manager. pero ako gustong gusto ko siya makita, kasi nga anim na araw 'yun eh. sa linggo pa ulit kami magkikita, pagkatapos six days na naman. for six weeks ganun. so sa unang araw na hindi wala siya, the only form of communication that we had was thru text. buti nakabili ako nung P100 na load, pero overpriced siya. I bought it at P115 sa may SC. I missed her during that day, so instead of staying in UP, i went home to my parents. At least may company ako dito. Masaya pa! Tapos may bago kaming boarder, 'yung tita ko nakatira sa amin, kasi 'yung nga balik kolehiyo siya.

Muntik na nga namin makalimutan na ika 29 na buwan na namin. Oo binibilang pa rin namin 'yun, cheesy ba? Ganito talaga pag inlab. Namimiss ko na nga 'yung magka "holding hands" kami eh, papunta ng casaa, at kung saan saan pa. Miss ko na kaagad 'yung company niya. Ewan ko ba, medyo clingy ako lately. 'yun nga lang wala 'yung i-cling-an ko, nasa bulacan. Pero kung titignan niyo eh isang probinsiya lang naman ang pagitan, pero kailangan pa kasi ng pahintulot bago makadalaw. May mga pagsusulit pa naman ako ngayong linggo at mga takdang aralin, kaya hindi pwede. Hintayin ko na lang ang araw ng Linggo.

This was four years ago. The first time Tintin went away to go to Bulacan for their practicum. I actually cried when I accompanied her the next time she went there, we took a bus @ SM, it was a Baliwag bus I think. She got off at Malolos while I took the next bus to San Fernando. Now we're far apart but it's okay. We'll be together soon.

posted at 6:00 PM
|

Her Stay in Bulacan
Friday, July 4, 2003

Anim na linggo. Anim na linggong mawawala ang girlfriend ko. May community work siya, at sa loob ng anim na linggong nalalapit hindi ko masisilayan ang aking sinta. Nalulungkot ako kaninang maghiwalay kami. Dahil alam ko sa Lunes, pagkatapos ng klase, hindi na kami sabay kakain ng hapunan. Wala muna akong mapagsasabihan ng aking mga karanasan sa nakalipas na araw. Walang yayakap, walang hahalik sa aking pisngi at sa aking mga labi. Wala akong sasabihan ng "Ney halika ka nga dito, pa-hug naman o." Madalas kami maglambingan ni Tintin.

Noong papasakay na ako sa bus, bigla niyang sinabi, "Ney nalulungkot ako ah." Hinalikan ko siya sa pisngi at sinabi kong magkikita pa tayo sa Lunes, bago kayo umalis. Oo nga, kailangan sa Lunes maaga ako para makita ko pa siya kahit panandalian lang. Anim na linggo kong hindi makikita ang kanyang kagandahang "walang patid."

Noong ako'y nasa bus na, iba't ibang uri ng love songs ang tumutugtog sa radyo. Hindi ko na rin naiwasan ang mapaluha. Maisip ko lang ang hindi namin pagkikita sa loob ng ganito katagal na panahon ay hindi ko mapigilan ang aking sarili. Masyado na yata akong emosyonal. Ganito talaga pag umiibig. Naluluha pa rin ako habang nagsusulat, dala ng emosyon. Sasabayan yata ako ng pagbuhos ng ulan ah.

posted at 6:00 PM
|

My Favorite TV Ads
Thursday, July 3, 2003

Panood niyo ba yung commercial ng Petron? Petron yata 'yun. Yung isang guy, sinundo niya 'yung mom niyang balikbayan. Tapos reklaims ng reklaims 'yung mom niya kasi ang daming problema sa Pilipinas. Mga baku-bakong kalsada, undisciplined Pinoys etc. Hirit siya ng hirit na "Sa States walang ganyan." Eh nung pag-uwi na nila sa bahay nun anak niya. Lumabas na 'yung mga apo niya. Nahiritan tuloy siya ng anak niya, "Sa states ba may ganyan?" Walaaa!

Tapos 'yung sa Jollibee, yung mag-inang nagdarasal. After magdasal at humingi ng salamat 'yung nanay, niyaya na niyang umalis 'yung anak niya. Punta na raw sila ng Jollibee. 'yung anak, biglang nagpasalamat din kay God. Sabi niya "Thank you po!"

posted at 6:00 PM
|

Blag Board: