<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/2478725266556423944?origin\x3dhttp://jepoi.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

What's the matter, peanut butter?

Recettes recentes:
My Bank Account
My Cynicism
My View
Ang Aking Buhay Pisay
My Puzzled Mind
My Happy Days Reruns
My Graduation
My Troubles
My Role Play
My Tagalog Speaking Action Heroes

Archives:

Liens Electronique:
Jepoi's Multiply
Peyups: the UP Online Community
IMDB
Wiki
Pisay Neuf Neuf

Le Blogs:
Jed
Soeur Mimi and Frere Karl
Frere Dan
Ragin-Cajun

La Cuisine de Jepoi
Puyat
Saturday, May 12, 2007

Ang sarap kasi pakiramdaman ang ganitong oras, madaling araw, tahimik
at payapa. Wala kang maririnig na busina ng mga jeep at kotse. Ang TV
nakapatay, walang mga makukulit, kasi tulog sila ngayon. Ang mga tunog
na maririnig mo ay ang pagtilaok ng manok, ang pag-ikot ng bentilador.
Kung minsan ay bubulabugin ka ng telepeno. *toot toot* Mga
nagbabakasakaling may karamay sila, puyat. Sa mga ganitong pagkakataon
lang ako nakakapag-isip, mas angkop siguro kung ang gagamiting salita
ay pagmumuni-muni.

Halos lumuwa na ang mga mata ko habang sinusulat ko ito, tapos may
paalala pa na hindi lahat ng mga ipinasa mga "article" ay nailalathala.
Ganunpaman, susubukin ko pa rin magsulat, kahit wala na. Kahit wala na
akong maisulat. Hangang pigain ko ang bawat hibla ng aking kaisipan.

Bakit nga ba ako nagpupuyat? Ironic di ba? Sasabihin mong nasa
matino kang pag-iisip sa mga ganitong oras, tapos gising ka pa! Kung
nasa matino kang pag-iisip eh sana'y isinara mo na ang computer at
kanina ka pa umidlip!

Reklamo ka ng reklamo, puyat ka. Nag-aaral ka pa ba? Pumapasok
ka pa ba sa mga klase mo? Sayang naman ang oras at pagod na ibinubuhos
ng magulang mo. Pati ikaw, sayang ang mga araw na ginugugol mo. Para
saan, para dito. Ano ka ba naman?

Nakikita mo pa ba ang sinisulat mo? Ako hindi na eh, may
hallucination na nga yata sa harapan ng mata ko eh. Mga maitim na
linya, saan kaya galing iyon? Sumisikip ba itong kuwarto kinaroroonan
ko? Mukhang hindi naman eh. Nananaginip na yata ako eh. Nananaginip ng
gising.

Kung ako ang masusunod, hindi lang dalawampu't apat na oras ang
ilalaan ko sa isang araw, para may oras pa akong matulog. Para
manumbalik ang sigla ng aking balat, may pimple na naman kasi ako eh.

This article first appeared on October 11, 2002 on peyups.com.


posted at 6:50 AM
|

Blag Board: