<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/2478725266556423944?origin\x3dhttp://jepoi.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

What's the matter, peanut butter?

Recettes recentes:
My Fishy Friend
Our First Week Away
Her Stay in Bulacan
My Favorite TV Ads
Her Birthday
My Insecurity
My First Entry

Archives:

Liens Electronique:
Jepoi's Multiply
Peyups: the UP Online Community
IMDB
Wiki
Pisay Neuf Neuf

Le Blogs:
Jed
Soeur Mimi and Frere Karl
Frere Dan
Ragin-Cajun

La Cuisine de Jepoi
My September Thoughts
Tuesday, September 30, 2003

hay ang sarap talaga ng may nagmamahal. nariyan ang mga kaibigan, magulang, at siyempre si tintin. maraming salamat sa inyo, mahal ko rin kayo. hinding-hindi ko ipagkakanulo ang tiwalang ibinigay niyo sa akin. alam ko na kahit sa pinakamadilim na punto ng buhay ko, nariyan kayo't sinuportahan ako, ginabayan, inalalayan, pinaalalahanan.

para kay mama at papa, may mga panahon na hindi ko nagagampanan ang mga tungkulin ko bilang isang anak, pero salamat pa rin kasi, kahit ganito ay hindi kayo nagsawang ibigay ang mga kailangan ko. mahal na mahal niyo talaga ako. noong linggo, pagkatapos ng exam, sabi ko pauwi na ako, hindi na ako makakasama sa pagbisita kina lola. Noong malapit na akong bumaba ng bus, nag text kayo, sabi niyo bumaba na lang ako sa may San Simon, kasi may dala kayong pizza para sa akin. Natuwa ako noon, hinding hindi niyo talaga ako pababayaan. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kayo ang naging magulang ko, napakabuti ninyo. So ayun, tumawag ako at sinabing nasa SM na ako, sabi ninyo nasa robinson's pa kayo at paalis pa lang, sumunod na lang ako at doon nag-lunch. nakatipid pa ako.

si tintin, kahit hindi kami lagi magkasama, laging nandiyan. nagkita kami kanina, i really miss her. nami-miss ko na siya kausap, kakwentuhan. basta magtatapos na siya ngayong semestre, natutuwa ako para sa kanya. sana mag-top siya sa board, i know she can do it. basta ako nandito para sa kanya, kasama niya. hindi naman ako counterproductive factor ehek. basta pag kailangan ko siya, nakakagawa siya ng paraan para magkasama kami upang matulungan ako, may card pa siyang binili kanina. di pa niya nasulatan kaya siguro di pa binigay, i find that sweet. tapos ang ganda-ganda pa niya. ayoko ng naka make-up siya. mahal na mahal ko 'yang si tintin. di ko pala siya nayakap kanina, baka lang kailangan niya makatanggap ng yakap. kasi ako kailangan ko eh, stressed pa naman ako lately. hindi rin ako nagsasawang pagsilbihan siya, sabi nga niya minsan, na na-spoil na siya eh. naku normal lang naman 'yun di ba? pag mahal mo ang isang tao, lahat ng pwede mong gawin para maipakita mo sa kanya na mahal mo siya gagawin mo.

nag-away kami ilang linggo na lang ang nakaraan, kasalanan ko. sabi niya may mga panahon na gusto niyang umaway, parang 80% of her self tells her to let go, kasi our relationship is taking its toll (actually nasabi lang niya 'yun kasi galit siya). But you know, that same monday, she took time out of her sched so we could talk. She was very considerate and she asked me to meet at Philcoa, baka raw di pa ako kumakain kaya dun na lang kami nag-meet. Noong una di pa niya ako pinapansin, she was cold, although we were talking, you can still feel; well I felt the tension between us. long story short, she forgave me, no ifs no buts, no conditions. she was crying, she was telling me that she's having difficulty sustaining our relationship. I comforted her, she was full of emotions. I saw how vulnerable she was, how fragile she is at times. I gave her a hug, it was relief because. We finally patched things up.

Marami akong kaibigan, mula sa elementary, sa pisay, sa UP, sa peyups.

Natutuwa ako dun sa isa kong kaibigan, mahilig mag-text, sabi pa niya pagkatapos ng exam, nag text "ingat pauwi." di ko pa nga binubura eh, a relic. tsaka napagsasabihan ko 'to ng mga personal issues, siya nag-share din sa akin. 'stig.

posted at 5:00 PM
|

Blag Board: