<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/2478725266556423944?origin\x3dhttp://jepoi.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

What's the matter, peanut butter?

Recettes recentes:
My Favorite TV Ads
Her Birthday
My Insecurity
My First Entry

Archives:

Liens Electronique:
Jepoi's Multiply
Peyups: the UP Online Community
IMDB
Wiki
Pisay Neuf Neuf

Le Blogs:
Jed
Soeur Mimi and Frere Karl
Frere Dan
Ragin-Cajun

La Cuisine de Jepoi
Her Stay in Bulacan
Friday, July 4, 2003

Anim na linggo. Anim na linggong mawawala ang girlfriend ko. May community work siya, at sa loob ng anim na linggong nalalapit hindi ko masisilayan ang aking sinta. Nalulungkot ako kaninang maghiwalay kami. Dahil alam ko sa Lunes, pagkatapos ng klase, hindi na kami sabay kakain ng hapunan. Wala muna akong mapagsasabihan ng aking mga karanasan sa nakalipas na araw. Walang yayakap, walang hahalik sa aking pisngi at sa aking mga labi. Wala akong sasabihan ng "Ney halika ka nga dito, pa-hug naman o." Madalas kami maglambingan ni Tintin.

Noong papasakay na ako sa bus, bigla niyang sinabi, "Ney nalulungkot ako ah." Hinalikan ko siya sa pisngi at sinabi kong magkikita pa tayo sa Lunes, bago kayo umalis. Oo nga, kailangan sa Lunes maaga ako para makita ko pa siya kahit panandalian lang. Anim na linggo kong hindi makikita ang kanyang kagandahang "walang patid."

Noong ako'y nasa bus na, iba't ibang uri ng love songs ang tumutugtog sa radyo. Hindi ko na rin naiwasan ang mapaluha. Maisip ko lang ang hindi namin pagkikita sa loob ng ganito katagal na panahon ay hindi ko mapigilan ang aking sarili. Masyado na yata akong emosyonal. Ganito talaga pag umiibig. Naluluha pa rin ako habang nagsusulat, dala ng emosyon. Sasabayan yata ako ng pagbuhos ng ulan ah.

posted at 6:00 PM
|

Blag Board: