What's the matter, peanut butter? Recettes recentes:
My WaterlooMy Eat Bulaga My Youngest Cousin My Plant Visit My Old Pictures My Trip (part II) My Trip (part I) My Frustration My ChE 140 class My Luck Archives:
Liens Electronique:
Jepoi's MultiplyPeyups: the UP Online Community IMDB Wiki Pisay Neuf Neuf Le Blogs:
JedSoeur Mimi and Frere Karl Frere Dan Ragin-Cajun |
La Cuisine de Jepoi
My Summer Musings
Friday, May 26, 2006 Eto pa! Bakit parang wala tayong show na katulad ng The Daily Report with Jon Stewart, kaya nating mangopya o kumuha ng franchise ng mga game shows pero bakit yung tipong public affairs, talk show type wala. Well we have Jojo A. All the way pala. I like that one, I try to watch it everytime I remember that it's on. Mas magaling naman sumayaw si Jojo A kay Conan O'B. May bago ng knock knock pala si Vic at Jose, dinagdagan na nila yung Sing; may Pasko na Naman na knock knock na sila, tapos yung isa pang pakulo nila eh yung pagsusuot ng iba't ibang costume. Ngayong linggo lang ata nagsimula 'yun eh. Tapos 'yung EB Babes na portion ng Eat Bulaga, woah ang ganda ng mga contestants, di hamak na mas maganda sila kung ihahalintulad sa SexBomb. I hope I could also climb a mountain. I think I already did, I'd climb another one. Dun sa field trip namin sa Kas I inakyat pala namin yung Mt. Buntis. Ang masama noong panahon na yon eh naka-tsinelas lang ako, kaya ayun pudpod ang slippers ng lolo mo at putik putik. Sino na nga ba yung kaklase ko dun? Tama na muna siguro 'to. Wala akong makausap ngayon ah, dito na lang ako magdadadaldal. Ang dami ko na namang sinasabi, wala kasi akong ka-kwentuhan. Nagpunta nga pala ako sa dentista kanina, yun sulit naman yung prophylaxis, sarap ng feeling. Medyo pumuti naman yung ngipin ko. Tapos kahapon nagpunta pala kami ng NBI, kumuha ng clearance ulit. Buti na lang mas mabilis na kasi renewal lang; yun nga lang nasira yung camera dun sa pila ng renewal kaya sumabay rin kami sa new applicants, kaya yung bilis na inakala ko eh tumagal din. Masarap naman yung lunch namin kaya 'di ko na rin dinamdam yung matagal na kilos nitong mga nasa opisina. Mukha kasing nakatambay lang sila at nag-uusap. I've been to several interviews, two were with oil companies, one was a battery company, one was a food giant, and the other, a techie job, I wonder, who will hire me? I passed up the battery company's 2nd interview. It was in Bulacan, and I had no interest in working there, unless they'd pay me more, which I think they wouldn't. I want to work somewhere in Makati, I don't want to work in the province. Although right now I think I'd like to work for my city, if they'd accept me. Ang hirap maghanap ng trabaho, punta ka ng interview, exam, interview ulit tapos hintay ka ng tawag, dapat may bayad na yung pagsipot mo sa interview pag di ka tinanggap eh. Wala na akong baon no. Kaya yan dapat talaga magkaroon na ako ng work, di naman kami mayaman. Kung anak lang sana ng hari yung lolo ko eh. Ayus din tong si Bayani Fernando, mamigay ba naman ng deodorant. Yung pink flags niya okay na rin. Ang hirap kasi dito sa Pilipinas, you have to legislate discipline. Dalhin mo naman sa ibang bansa 'yung Filipino, masunurin. I don't know where the problem lies. Kaya gusto ko rin maranasan yung manirahan sa ibang bansa, para maihambing ko kung totoo nga na masarap pa rin manirahan sa tinubuang lupa. Minsan ayaw ko rin magtrabaho kasi alam ko makakaltasan ako ng buwis na mapupunta lang sa mga tamad na government employees na ganito ang ginagawa: darating sa opisina ng late, magmemerienda kaagad, coffee break, lunch break, siesta, afternoon snack, uwian na! May matino pa rin naman, tulad ng pinsan ko. Asset ng city government yun! Alam ko she graduated with latin honors, magna cum yata. Kaya bilib ako sa mayor namin, magaling pumili ng staff, I heard he's restructuring the bureaucracy sa city hall. Miss ko na ang Katipunan ah. Balik ako doon ng Tuesday after my job interview. |
Blag Board:
|